
Hinalughog ng PDEA Seaport Interdiction Unit II at Provincial Jail Administration Office (PJAO) ang joint greyhound operation sa loob ng dormitoryo ng kababaihan sa Urdaneta City District Jail, kahapon ng umaga, Pebrero 19.
Ayon sa ulat, walang nasabat na ipinagbabawal na droga o kontrabando sa isinagawang inspeksyon.
Ang Greyhound operation ay isang uri ng surprise inspection o malawakang paggalugad sa isang pasilidad upang hadlangan ang pagpasok at paglaganap ng ilegal na droga, kontrabando, at iba pang ipinagbabawal na bagay, isang preventive measure na regular isinasagawa ng mga awtoridad para mapanatiling ligtas at malinis ang mga jail at seaport areas mula sa banta ng droga at krimen.
Sa operasyon, siniguro ng mga awtoridad na masusing nasuri ang mga lugar sa loob at paligid ng pasilidad kabilang ang mga selda at iba pang vulnerable section upang matiyak na nananatiling drug‑free at ligtas ang buong lugar.
Hindi lamang ito simpleng inspeksyon, ang Greyhound operation ay bahagi ng mas malawak na kampanya laban sa ilegal na droga at kontrabando para protektahan ang komunidad at seguridad ng pasilidad.










