URDANETA CITY, MAGDIRIWANG NG SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY BUKAS, NOBYEMBRE 14

Idineklara ni Urdaneta City Mayor Julio F. Parayno III ang Nobyembre 14, 2025 bilang special non-working holiday sa lungsod, alinsunod sa Executive Order No. 28, Series of 2025.

Ang nasabing araw ay itinakda upang gunitain ang ika-89 na kaarawan ng yumaong Hon. Amadeo R. Perez Jr., na kinikilala bilang “Ama ng Pagka-Lungsod ng Urdaneta.”

Layunin ng deklarasyon na bigyang pagkilala ang mga naging ambag ni Perez sa pagkakatatag at pag-unlad ng Urdaneta City, at hikayatin ang mga mamamayan na alalahanin ang mga dakilang gawa ng kapwa Urdanetanians.

Ang kautusan ay nilagdaan noong Nobyembre 5, 2025, sa Urdaneta City, Pangasinan.

Facebook Comments