URDANETA CITY MAYOR AT VICE MAYOR, BINIGYAN NG SAMPUNG ARAW NA ULTIMATUM NG DILG

Binigyan ng sampung araw ni Department of Interior and Local Government o DILG Secretary Jonvic Remulla ng ultimatum ukol sa ipinataw na suspensyon ng Office of the President laban kay Urdaneta City Mayor Julio Parayno at Vice Mayor Jimmy Parayno.

Sa isang panayam inilahad ni SILG Remulla na sila ay nakikipag-ugnayan na sa Landbank, Commission on Audit at iba pang ahensya na hindi na pwedeng pumirma si Mayor Parayno.

Matatandaan na ipinataw ang isang taong suspensyon sa mga opisyal dahil sa umano’y kaso ng grave abuse of authority at grave misconduct.

Subalit iginiit ni Mayor Parayno na ito ay walang bisa dahil siya ay sick leave nang ipinadala ito sa kanyang opisina at nang siya ay bumalik ay inabutan na ng election ban.

Samantala, kinatigan ng COMELEC ang apela ni Mayor Parayno na hindi nga ito naihain sa kanya at naabutan na ng election ban. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments