Tinawag na ‘power tripping’ ni Urdaneta City Mayor Rammy Parayno III ang kinakaharap na isang taong suspension order.
Sa naging mensahe nito kasabay ng pagbubukas ng bagong City Museum, tiyak na umanong nakasulat sa kasaysayan ng Urdaneta ang pangalan nila ng suspendidong bise alkalde dahil sa mga pagkilalang natanggap nito mula sa national government at panunungkulan sa loob ng ilang taon.
Dinepensahan naman ng alkalde na pagsunod lamang sa utos ang ginagawang pagbabantay ng kapulisan sa buong City Hall matapos ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) upang mapigilan ang umano’y “unlawful exercise of powers” ng dalawa.
Sa kasalukuyan, tuloy pa rin na dumadalo ang alkalde sa mga nakalinyang aktibidad kasunod ng ika-27 Charter Anniversary ng lungsod.
Inihayag din ng opisyal na positibo ito sa kanyang legasiya na nakatatak sa Urdaneta sa kabila ng umano’y panggigipit sa kanyang panunungkulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨