Sumugod sa Urdaneta City Health Office is Mayor Rammy Parayno para hintayin at hamunin sa isang drug test si Catablan Barangay Captain Ismael Zabala.
Sa Facebook live ni Mayor Parayno, tahasan nitong pinangalanan si Zabala na nasa likod ng talamak umanong kalakalan ng droga sa Urdaneta City, kung saan ginawang shipment point ang Barangay Catablan.
Lahad pa ni Parayno, ang mga sunod sunod na pagkakakumpiska ng ilegal na droga at pagkakahuli ng iba’t ibang personalidad sa nasabing barangay ay may kaugnayan umano kay Kapitan Zabala. Kaya naman para umano matapos ang haka haka ay hinamon na ni Mayor Parayno ang nasabing kapitan para sa isang drug test nitong April 28.
Kung saan handa umanong mag-withdraw ng kandidatura si Parayno kung sakaling lumabas na siya ay positibo, ngunit dapat umanong handa ding bumaba sa pwesto bilang kapitan ng Catablan si Zabala kung siya naman ang lalabas na positibo sa ilegal na droga.
Nabanggit din sa nasabing Facebook live ang pagkakasangkot umano ng ilang kagawad ng Barangay Catablan sa paggamit ng iligal na droga.
Sa huli, makalipas ang isang oras at kalahati hindi dumating ang hinahamong kapitan ni Parayno kaya naman pinayuhan niya na lamang ito na mag-undergo ng reformation sa pamamagitan ng hindi paggamit ng droga sa loob ng tatlong buwan upang sa susunod nilang pagpapa-test umano ay mag-negatibo na ito.
Samantala, sa isa pang katuloy na facebook live ni Parayno, inanunsyo nito na simula ngayong araw ay hindi na ito mag-iikot pa para sa mga meeting de avance sa barangay dahil umano sa seryosong banta sa buhay nito.
Ayon sa intel ng alkalde may tatlong grupo umanong nagbabanta sa kanya, nariyan ang grupo umano mula Abra, Isabela, at grupo na mula sa Urdaneta mismo na galing umano sa kulungan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments