URDANETA CITY NIGHT MARKET, NAGBUKAS MULI SA BAGONG LOKASYON

Muling nagbabalik ang inaabangang Night Market sa Urdaneta City sa bagong lokasyon, na dinarayo ng mga residente at motorista.

Sa bagong lokasyon nito, inaasahang mas magiging maginhawa at mas masaya ang karanasan ng mga bisita dahil sa paglalaan ng bahagi ng parking alley ng isang mall para sa maraming stalls na pinipilahan ng mga parokyano.

Tampok sa night market ang sari-saring street food, natatanging inumin, at mga produktong gawa ng mga lokal na negosyante. Patuloy itong nagsisilbing paboritong pasyalan ng mga residente at turista na naghahanap ng masarap na pagkain at masiglang paligid tuwing gabi.

Bukod sa pagiging tambayan, layunin din ng Urdaneta City Night Market na suportahan ang maliliit na negosyo at itaguyod ang lokal na kultura at turismo ng lungsod. Dahil dito, itinuturing itong isang “tourist’s delight” na nagpapakita ng galing at sipag ng mga taga-Urdaneta.

Inaanyayahan ang lahat na bumisita, tikman ang iba’t ibang putahe, at maranasan ang saya at sigla ng night market sa bago nitong lokasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments