
Pinarangalan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang City Government of Urdaneta, Pangasinan ng Gold Seal of Protection para sa taong 2025 bilang pagkilala sa mahusay na pamamahala at patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan ang mga ari-arian nito at mapatatag ang katatagan ng lungsod.
Iginawad ang parangal sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Julio F. Parayno III, matapos kilalanin ng GSIS ang dedikasyon, komitment, at tuloy-tuloy na hakbang ng Urdaneta City upang masiguro ang maayos na risk management at ang pagsunod sa mga pamantayang nagtataguyod ng kaligtasan at responsableng pamamahala ng mga pag-aari ng pamahalaan.
Naglalayong parangalan ang mga lokal na pamahalaang matagumpay na nagpatupad ng wastong pagprotekta sa kanilang asset portfolio—isang mahalagang batayan upang mabawasan ang panganib at matiyak ang mas matibay na pamayanan.
Ang pagkakamit ng Urdaneta City sa Gold Seal of Protection ay nagpapakita ng pagkilala sa kanilang pangmatagalang programa para sa kaligtasan, kahandaan, at responsableng pamamahala—isang patunay ng pagiging epektibong modelo sa rehiyon pagdating sa risk mitigation at asset protection.









