
Kinilala ang Urdaneta City ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos itong tumanggap ng Special Notice of Compliance sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
Ayon sa LTFRB, iginawad ang pagkilala dahil sa patuloy na pagsisikap ng lungsod na mapabuti at gawing moderno ang lokal na sistema ng transportasyon, kabilang ang mas ligtas, episyente, at maaasahang biyahe para sa mga commuter.
Kabilang sa mga hakbang na isinagawa ang pag-aayos ng mga ruta, pagpapatupad ng traffic rerouting, at pagpapahusay ng accessibility sa loob ng lungsod.
Sinabi rin ng LTFRB na ang naturang pagkilala ay patunay ng epektibong koordinasyon ng mga ahensya at ng patuloy na modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










