URGENT | BBL, sisertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ni Senator Juan Miguel Zubiri ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ayon kay Zubiri, sa pag-uusap nila ni Pangulong Duterte kahapon ay kanyang tiniyak na ipaprayoridad ng Senado ang pagpasa sa BBL.

Si Zubiri ang namumuno sa local government subcommittee at target niyang mailusot sa Senado ang BBL bago mag-break ang session sa Marso.


Nakapgsagawa na ng isang pagdinig ang Senado ukol sa BBL at ayon kay Zubiri, masusundan ito sa January 25 at 26 sa Cotabatao at Marawi.

Magsasagawa din aniya ng pagdinig sa February 8-9 sa Sulu at Tawi-Tawi.

Binawi din ni Zubiri ang naunang panukalang batas para sa BBL na kanyang inihain at pinalitan nya ng bersyon na umaayon sa bersyon ng Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Diin ni Zubiri, mahalagang maisabatas ang BBL bago isagawa ang pag-amyenda sa Saligang Batas na magbibigay daan sa pagbabago sa porma ng gobyerno patungong Federalism.

Facebook Comments