URGENT | House Speaker Pantaleon Alvarez, pinasesertipikahang urgent kay Pangulong Duterte ang panukalang BBL

Manila, Philippines – Hihilingin ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang ‘urgent’ ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Alvarez, mapapabilis ang pag-apruba ng kongreso sa panukala bago sila tumungo sa *sine die adjournment* sa June 1.

Aniya, maaabot nila ang may 30 deadline na itinakda ni Pangulong Duterte.


Samantala, magsasagawa ang kamara ng isa pang caucus matapos ang pagpupulong nito sa Bangsamoro Transition Commission.

Facebook Comments