US ambassador, itinuturing na ‘provocative’ ang missile test ng China sa WPS

“Provocative”

Ito ang pahayag ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa ikinasang missile launch ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Kim, maituturing itong paglabag sa international law.


Hindi lang Estados Unidos ang naaalarma sa unilateral actions ng China sa lugar pero ang mga bansa sa rehiyon.

Puna ni Kim, hindi ipinapakita ng China ang commitment nito na hindi magsasagawa ng militarisasyon sa mga itinayo nilang artificial islands.

Aniya, mas lalong pinalalala ng China ang sitwasyon sa lugar.

Matatandaang nagkasa ang China ng multiple anti-ship ballistic missiles nitong weekend habang nagsasagawa ng G-20 Summit sa Osaka, Japan na dinaluhan nina US President Donald Trump at iba pang world leaders.

Facebook Comments