Manila, Philippines – Umaasa ang US government na mapaparusahan ang nasa likod ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos na napatay ng mga tauhan ng Caloocan PNP.
Dahil dito ay nagpa-abot na rin ng pakikiramay si US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa pamilya ni Kian Delos Santos.
Una nang binatikos ng US ang extra judicial killings sa Pilipinas dahil sunod-sunod na nagyayaring patayan sa bansa.
Hinikayat ni Kim ang Philippine government na imbestigahan at managot sa batas ang may kasalanan sa brutal na pagpaslang sa grade 11 student.
Bukod kay Kim, una nang nakiramay ang iba’t ibang mga matataas na opisyal ng gobyerno gaya nina Vice President Leni Robtedo, dating VP Jejomar Binay, at mga Senador at Kongresista.
Facebook Comments