US Army at Philippine Army magsasanay sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija

Magsasanay sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija ang 5th Security Force Assistance Brigade (SFAB) ng US Army kasama ang mga sundalo ng Philippine Army.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, layunin ng pagsasanay ay upang mapalakas ang kapabilidad at interoperability ng US at Phil. Army, sa conventional, joint, at combined operations, sa pandaigdigang kampanya kontra sa terrorismo.

Kabilang sa mga unit na makakasama ng mga tropang Amerikano ay ang 1st Brigade Combat Team, 99th Infantry Battalion, Training and Doctrine Command, Support Command, at Forward Service Support Unit.


Facebook Comments