US Army Pacific Commanding General, bumisita sa Philippine Army Headquarters

Dumating sa headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio kahapon si US Army Pacific (USARPAC) Commanding General, General Charles Flynn at malugod itong tinanggap ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner.

Nagpulong ang dalawang opisyal at napag-usapan ang mas malawak na kooperasyon ng Phil. Army at USARPAC sa capability development, training, at security matters.

Siniguro ni Gen. Flynn kay Lt. Gen. Brawner ang kahandaaan ng USARPAC na tulungan ang Phil. Army sa pag-develop ng kanilang Brigade Combat Team, Aviation Regiment, at training centers.


Ang pagbisita ng Amerikanong opisyal ay paghahanda rin para sa isasagawang SALAKNIB joint military exercise sa pagitan ng Philippine Army at USARPAC sa darating na March 5 hanggang 24 sa Central Luzon.

Facebook Comments