Manila, Philippines – Kasunod ng nangyaring pamamaril sa Resorts World Manila, naglabas ngayon ng travel advisory ang gobyerno ng Australia at Estados Unidos.
Batay sa advisory ng dalawang bansa – pinapayuhan nito ang kanilang mga mamamayan na maging alerto bunsod ng malaking banta ng terorismo sa Pilipinas.
Pinaaalalahanan din ng mga ito ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na sumunod sa mga ipinag-uutos ng mga kinauukulan at maging updated sa mga kaganapan sa bansa.
DZXL558
Facebook Comments