Namahagi ang gobyerno ng Estados Unidos ng mga rasyon ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Odette.
Ayon kay US Embassy Charge D’Affaires ad interim Heather Variava, nasa 19 trucks din ang kanilang ibinigay para sa pamamahagi ng mga relief goods sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, sinabi naman ng Japanese Embassy na magpapadala rin sila ng generators, tents, sleeping pads, water containers at plastic sheets.
Anila, nakikipag-tulungan na sila sa DSWD para agad na maipamahagi ang relief goods sa mga lugar na pinadapa ng bagyo.
Facebook Comments