US at Qatar, lumagda ng kasunduan para mas palakasin ang paglaban sa terorismo

WORLD – Pumirma ang United States of America at Qatar ng kasunduan para labanan ang terorismo.

Ayon kay Secretary of State Rex Tillerson – layon nitong malutas na ang pinakamalalang diplomatikong krisis sa Middle East.

Laman din ng kasunduan ang pagsugpo sa mga nagpopondo sa mga terorista at mas lalo pang palakasin ang counter-terrorism activities.


Kasabay nito, pinuri ng US ang emir ng Qatar dahil siya ang unang rumesponde sa hamon ni U.S. President Donald Trump na ihinto ang pagpopondo ng terorismo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments