MANILA – Pinatitigil na ng Estados Unidos at Asean ang iligal na konstraksyon at reclamation sa West Philippine Sea. Ito ang isa mga binigyan diin ng mga lider ng ibat ibang bansa sa paglabas ng Sunnylands Declaration sa pagtatapos ng Us-Asean Summit.Sinabi ni us President Barack Obama na batay sa labing pitong prinsipyong pinagkasunduan ng mga lider, dapat maresolba ang agawan sa karagatan sa ligal at mapayapang paraan.Suportado aniya ng Amerika ang karapatan ng mga kaalyadong bansa.Kasabay naman ng Sunnylands Declaration, Pinabulaanan naman ng China na nagpadala ito ng missile sa pinag-aagawang teritoryo. Depensa ni Chinese Foreign Minister Wang Yi – na gawa-gawa lamang ang istorya upang may maibalita ang Western Media.Dagdag pa ni Wang – sana ang pag-tuunan ng pansin ng Western Media ay ang mga parolang itinayo ng China na malaki ang pakinabang para makadaan ng mas ligtas ang mga barko sa rehiyon.Pero kung mag-lulundsad aniya sila ng missile sa Paracel Island lihitimo nila itong karapatan dahil pag-aari nila ang isla.Giit pa ni Wang – wala itong kinalaman sa militarisasyon sa rehiyon kung gagawin nila ang paglulunsad ng missile kundi para lamang pagtibayin ang depensa ng china.Agad naman pina-imbestigahan ito ni Pangulong Noynoy Aquino, kasabay ng pagpapatawag ng security cluster ng gobyerno.Sa Kabila ng mga hakbang na ito ng China, sinabi ni Pnoy sa kanyang speech sa Los Angeles World Affairs Council na hindi haharangin ng pilipinas ang pag-unlad ng china.Umaasa ang pangulo na susunod ang China sa magiging hatol ng arbitral tribunal sa kasong inihain ng Pilipinas. (DZXL 774 // Jennifer D. Corpuz – Writer)
Us At Sampung Asean Liders – Pinatitigil Na Ang Iligal Na Konstraksyon At Reclamation Sa West Philippine Sea
Facebook Comments