US, Australia, Japan at South Korea, nagsagawa ng kauna-unahang naval drills

Nagkasa ng joint drills ang United States navy kasama ang warships ng Japan, Australia at South Korea para sa kauna-unahang combined exercise sa Western Pacific.

Ang anim na araw na drill ay nilahukan ng dalawang Japanese destroyers, dalawang Australian frigates, at isang destroyer mula South Korea, na may 3,000 marino.

Sa panig ng US navy naman ay nag-deploy ng limang barko, fighter jets, at maritime patrol planes.


Ang pacific vanguard exercise ay ginawa malapit sa Guam bago ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Japan ngayong weekend.

Layunin nitong kontrahin ang military might ng China sa rehiyon.

Facebook Comments