Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansang Estados Unidos, Britanya at Pransya na samahan ang Pilipinas na pumunta sa South China Sea at manindigan laban sa China.
Ito ang pahayag ng Pangulo kasunod na rin ng mga kritisismong hindi niya ipinaglalaban ang 22 Pilipinong mangingisdang inabandona sa Recto Bank matapos palubugin ng isang Chinese vessel.
Ayon sa Pangulo – kung matatapang ang mga kanluraning bansa, dapat nilang tulungan ang Pilipinas lalo na sa mga inaangkin nitong teritoryo.
Pero iginiit ng Pangulo na hindi niya ilalagay sa alanganin ang buhay ng mga Pilipino dahil lamang sa insidente sa Recto Bank.
Isinisisi rin ng Pangulo ang kawalan ng aksyon ng Amerika mula nang mag-reclaim ang China sa pinagtatalunang dagat.
Facebook Comments