Dumaong sa Pier ng Maynila ngayong araw ang Ronald Reagan Carrier Strike Group ng US Navy para sa isang port call.
Sa report ng US Embassy ang Ronald Reagan Carrier Strike Group ay binubuo ng Nimitz Class Aircraft Carrier USS Ronald Reagan (CVN 76) at Ticonderoga Class Guided-Missile Cruisers USS Antietam (CG 54) at USS Chancellorsville (CG 62)
Ang tatlong barkong pandigma ay naka-deploy sa area of operations ng U.S. 7th fleet na pang supporta sa seguridad at stabilidad ng Indo-Pacific Region.
Sinabi naman ni US Ambassador to the Philippines Sung kim na ang pagbisita ay patunay ng matibay na pagakakaibigan, ng Pilipinas at Estados Unidos.
Pagpapakita rin aniya ito ng “commitment” ng Estados Unidos sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.
Habang nasa Maynila, ang mga US Sailors ay magkakaroon ng pagkakataon na makasalamuha ang kanilang mga Philippine Navy counterparts, sa mga opisyal na pagpupulong, mga larong pampalakasan, community relations projects, at cultural activities.