US companies, hinikayat ni PBBM na lumahok sa “Build Better More” program ng bansa

 

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga kompanya sa United States na makibahagi sa Build Better More program ng Pilipinas.

Ito’y kaugnay sa 198 infrastructure flagship project na nagkakahalaga ng United States (US) $148 billion o katumbas ng P8 trillion.

Ayon kay Pangulong Marcos, kabilang sa flagship projects ng gobyerno ay ang physical connectivity, water resources, agrikultura, kalusugan, digital connectivity at enerhiya.


Ang imbitasyon ay ginawa ng pangulo sa pagbisita sa Malacañang ng US Presidential Trade and Investment Mission na pinangunahan ni US Secretary of Commerce Gina Raimondo.

Ang pagdating ng US mission sa Manila ay bilang pagtupad sa pangako ni US President Joe Biden na magpapadala ito ng high-level presidential delegation sa Pilipinas.

Facebook Comments