US congress, nagkasa na ng pagdinig kaugnay sa impeachment laban kay Trump

Inilunsad na ng US congress ang formal impeachment inquiry laban kay President Donald Trump.

Ito ay may kaugnayan sa panunuhol niya ng halos 400 million dollars sa Ukraine para magkasa ng imbestigasyon na makakasira kay Joe Biden, ang front-runner para sa 2020 Democratic presidential nomination.

Ayon kay US House Speaker Nancy Pelosi – kailangang managot si Trump at walang sinuman ang mataas pa sa batas.


Umapela naman si Biden kay Trump na makipagtulungan sa congressional investigations.

Nangako naman si Trump na ilalabas ang transcript ng pag-uusap nila sa telepono ni Ukraine President Volodymyr Zelenskiy.

Sa ilalim ng US Constitution, ang kanilang Kamara ay may kapangyarihang mag-impeach ng Pangulo kapag may ginawang kalokohan o krimen habang ang Senado nila ang magsasagawa ng paglilitis kung papatalsikin ang Pangulo sa kanyang pwesto.

Wala pang US president ang napapatalsik sa pamamagitan ng impeachment.

Hawak ng Democrats ang House habang Republicans ang may kontrol sa Senate.

Facebook Comments