US, dapat magbayad sa Pilipinas dahil sa kanilang presensya sa ilalim ng EDCA – Palasyo

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos na magbayad dahil sa paggamit nila ng mga military facilities sa Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement.

Ito ang depensa ng Malacañang matapos ihayag ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng US para magpatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, binibigyan ng karapatan ang mga Amerikano sa ilalim ng EDCA na mag-deploy ng mga sundalo at maglatag ng defense equipment sa bansa.


Bukod dito, binibigyan din sila ng karapatan na gamitin ang military facilities ng bansa.

Tingin ni Roque, kailangan din ikonsidera ng Pangulo ang EDCA.

Ang EDCA ay isang kasunduan na supplementary sa VFA na nilagdaan noong 2014.

Facebook Comments