Napapanahon na para sa Estados Unidos na magbayad kapalit ng pagpapanatili ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagbabayad ng US ay nakapaloob sa kasunduan kung papayag ang Washington sa inilatag na kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero nilinaw ni Roque na pwede namang tumanggi ang US na magbayad.
Muli ring ipinunto ni Roque na mayroong kapangyarihan ang Pangulo na bawiin ang VFA kahit walang concurrence mula sa Kongreso.
Ang VFA ay hindi isang tratado, pero isang kasunduan para ipatupad ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Facebook Comments