Inihayag ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III na nagkaroon siya ng “productive meeting” kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang kagabi.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Austin na naging makabuluhan ang pulong niya kay Pangulong Duterte.
Tinalakay aniya ang kahalagahan ng alyansa ng US at Pilipinas at ng mga mamamayan nito.
Binigyang diin ni Austin ang suporta sa US-Philippines military alliance.
Tiniyak din ni Austin ang kanilang commitment sa bilateral relations sa Pilipinas, lalo na sa pagpapatibay ng partnership at alliance ng dalawang bansa.
Sa ngayon, wala pang desisyon si Pangulong Duterte ukol sa Visiting Forces Agreement (VFA) kung tuluyan ba itong ibabasura o muling aaprubahan.
Facebook Comments