US Defense, naghahanda na sa patuloy na pagbabanta ng NoKor

Amerika – Kinumpirma ni US Secretary of Defense James Mattis na nagpadala ang Estados Unidos ng mga B-2 stealth bombers sa pacific bilang paghahanda sa patuloy na pagbabanta ng North Korea.

Ayon kay Mattis, ito ay dahil sa patuloy na pagmamatigas ng North Korea sa kanilang nuclear missile program.

Aniya, galing sa Whiteman Air Force base sa Missouri ang nasabing mga bombers.


Giit naman ni Mattis na patuloy ang kanilang mga gagawing hakbang dahil sa pagsasagawa ng missile test ng NoKor.

Facebook Comments