MANILA – Nakipagpulong si United Defense Secretary Ashton Carter kay Pangulong Noynoy Aquino para inilatag ang mga hakbang para mapalakas ang relasyon at alyansa ng Amerika at Pilipinas.Natalakay sa pulong ang pagpapalakas sa defense capability ng pilipinas, enhanced defense cooperation agreement (EDCA), isyu ng West Philippine Sea at iginiit ang pagsusulong sa Freedom of Navigation at Freedom of Overflight.Sinabi ni Carter, na kabilang dito ang Joint Maritime Patrol sa West Philippine Sea para mapanatili ang katatagan sa rehiyon.Ayon pa kay Carter, wala itong layuning mag-udyok o manggalit ng mga claimants lalo sa China kundi para lamang patatagin ang seguridad sa rehiyon.Kasama rin aniya sa napag-usapan ang pagpapanatili sa bansa sa ilang air assets gaya ng limang A-10 Thunderbolt Aircraft, 3 h60g Pave Hawk Helicopters, 1 MC130H Talon Aircraft at 200 Airmen ng Us.Inihayag din ni Carter, na tinalakay nila ni Pangulong Noynoy Aquino ang kahalaghan ng nagpapatuloy na US-Philippines Balikatan Exercises.Giit ni Carter, patunay ito ng malalim na relasyon ng dalawang bansa kung saan magkabalikat na hinaharap ang anumang banta sa rehiyon.Gayunpaman, muling nilinaw ni Carter na walang pinapanigan ang US sa pagitan ng China at Pilipinas maliban sa pagsuporta sa payapang resolusyon ng territorial dispute.
Us Defense Secretary Ashton Carter, Inilatag Ang Mga Hakbang Sa Pagpapalaks Ng Relasyon At Alyansa Ng Amerika At Pilipin
Facebook Comments