US Defense Secretary bumisita sa Malacañang, nag-courtesy call kay PBBM

Bumisita sa Malacañang ngayong Biyernes ng umaga si United States Secretary of Defense Peter Hegseth.

Nagsagawa ng courtesy call si Hegseth kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kalayaan Hall na layong patatagin pa ang alyansa at pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa pag-uusap nina PBBM at Hegseth, muling tiniyak ng US official ang ironclad commitment sa Mutual Defense Treaty sa pagitan ng dalawang bansa.


Bumisita rin si Hegseth sa mga Piliipino at Amerikanong sundalo kanina at lumahok sa physical training.

Bago magtungo sa Pilipinas, nakipagpulong si Hegseth sa military officials sa U.S Indo Pacific Command sa Hawaii at binisita rin ang mga pasilidad ng militar.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita sa bansa ang isang mataas na opisyal ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Facebook Comments