Nangako mismo si US Defense Secretary Lloyd Austin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tutulong ang Estados Unidos sa pagsasamoderno pa ng kapabilidad ng Defense Department at mas mapaangat ang interoperability ng Pilipino at Amerikanong mga sundalo.
Ginawa ni US Defense Secretary Austin ang pangako matapos na mag-courtesy call kay Pangulong Marcos sa Malacañang kaninang umaga.
Ayon naman kay Pangulong Marcos nakikita niya ang presensya ng Amerika sa Pilipinas ay hanggang sa hinaharap na dahil mas matatag na relasyon ng bansa at US government.
Nagpasalamat ang pangulo kay US defense chief sa pagbisita sa bansa sa kabila mga complicated situation sa Asia Pacific Region.
Napag-usapan aniya ang mga importanteng usapin patungkol sa depensa at seguridad na malaking tulong sa Pilipinas.