US ELECTION | Pangarap ng Democratic Party na makuha ang mayorya sa Senado, lumalabo

Amerika – Milyung-milyon mga Amerikano ngayon ang bumuboto sa ginaganap na mid-term elections sa Estados Unidos.

At base sa initial turnout, apat pa na puwesto sa House of Congress ng Estados Unidos ang inaasahang makukuha ng mga kandidato ng democratic party.

Dahil dito labing-isa na lamang na puwesto ang kailangan ng mga Democrat para makuha ang mayorya sa house.


Pero lumalabo ang pangarap ng mga democrat na masikwat din ang mayorya sa Senado.

Dalawang puwesto sa Senate ang kailangan makuha ng democratic para makontrol ang Senado pero sa projection ng mga poll expert malabong mangyari ito sa nagaganap na halalan.

Samantala, nakatakdang maging pinakabatang kongresista sa kasaysayan ng Estados Unidos si Democratic Party bet Alexandria Ocasio-Cortez.

Liyamado at tiyak na kasi ang panalo ng 29-anyos na si Ocasio-Cortez sa New York Congressional Derby.

Si Rep. Elise Stefanik ang dating pinakabatang kongresista sa edad na 30-anyos.

Facebook Comments