US Embassy, naglabas ng travel alert para sa mga kababayan nito na nais pumunta sa Pilipinas

Naglabas ng Travel Alert ang US Embassy sa mga kababayan nito na nais pumunta sa Pilipinas.

Sa abiso ng Embahada, pinapayuhan ang American Citizens na manatiling naka – “low profile” sa gitna na rin ng tensyon sa Middle East kasunod ng pagkakapatay sa Iranian Military Commander na si Qasem Soleimani.

Ang tumataas na tensyon sa Middle East ay posibleng magdulot ng banta sa seguridad ng mga US Citizes Abroad.


Maliban dito pinayuhan din ng US Embassy ang mga kababayan nito na maging maalam sa paglid, manatiling alerto sa mga lugar na madalas dinadayo ng mga turista, muling pag-aralan ang personal security plans, at nakahanda palagi ang Travel Documents.

Facebook Comments