Nagpahayag ng pagkabahala ang US Embassy kaugnay sa nagpapatuloy na reclamation projects sa Manila Bay kabilang na ang mga isyu may kinalaman sa kapaligiran.
Ayon kay US Embassy Spokesperson Kanishika Gangopadhyay na palagian ang kanilang komunikasyon sa gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa posibleng negatibong epekto ng mga proyektong ito sa kapaligiran, sa resilience ng Manila Bay at karatig na lugar gayundin sa negosyo.
Nagpahayag din ng pagkabahala ang US Embassy sa kaugnayan ng kompanyang China Communications Construction Co. sa naturang mga proyekto.
Nakasama kasi ang naturang kompanya sa US Department of Commerce Entity List dahil sa papel nito na tumulong sa Chinese military na magtatag ng militarize artificial islands sa may West Philippines Sea (WPS).
Saad pa nito na ang naturang kompanya ay tinukoy ng World Bank at Asian Development Bank na sangkot sa fraudulent business practices.