Nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng Estados Unidos sa mga awtoridad kaugnay sa kaso ng dinukot at pinaslang na Amerikanong vlogger na si Elliot Eastman.
Ayon sa US Embassy, nakarating na sa kanila ang mga ulat kaugnay sa sinapit ng American vlogger na dinukot sa Zamboanga del Norte noong Oktubre.
Kasunod ng pangyayari, nananatiling prayoridad ng Embahada ang kaligtasan at seguridad ng mga US citizen dito sa Pilipinas.
Samantala, tumanggi nang magbigay ng karagdagang pahayag ang Embassy at sinabing sa lokal na awtoridad na lang makipag-ugnayan kaugnay sa detalye ng imbestigasyon.
Sa ngayon, pumasok na rin sa imbestigasyon ang US Federal Bureau of Investigation.
Anim na suspek na ang kinasuhan ng kidnapping at serious illegal detention kung saan tatlo na sa mga ito ang naaresto na.
Si Eastman ay YouTube content creator mula Vermont, USA at limang buwan nang naninirahan dito sa bansa matapos makapangasawa ng Pinay mula sa Sibuco, Zamboanga del Norte.