Inaprubahan na ng US Food and Drug Administration ang emergency use authorization ng Pfizer-BioNTech bilang bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa US-FDA, ang naturang bakunana mayroong 2.9 million doses ay ibibigay sa mga may edad 16 pataas, healthcare workers at nakakatanda.
Kasabay nito, tiniyak ng US government na sisimulan na nila ang distribusyon ng bakuna sa kanilang bansa matapos aprubahan ng FDA at sisimulan ang unang inoculations sa susunod na lingo.
Una na ring inaprubahan bilang bakuna ang Pfizer-BioNTech sa Britain at Canada habang sinimulan na itong gamitin sa United Kingdom.
Facebook Comments