Tiniyak ng gobyerno ng Amerika na paglaanan ng pondo ng foreign military financing nito sa Pilipinas.
Ito’y matapos kanselahin ng Pilipinas ang planong pagbili ng military choppers sa Russia.
Sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na inabisuhan na ng United States State Department ang kanilang Kongreso para sa $100 million na foreign military financing para sa Pilipinas.
Sinabi ni Carlson na ang naturang pondo ay maaaring gamitin ng Pilipinas sa defense modernization tulad ng pagbili ng mga helicopter.
Facebook Comments