Manila, Philippines – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa maaaring manghimasok ang Estados Unidos sa sigalot ng Pilipinas at China kaugnay sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa West Philippine Sea.
Sa interview sa Pangulo kagabi, mas hahantong lang sa giyera kapag humingi ng tulong ang Pilipinas sa US.
Muling iginiit ng Pangulo na hindi siya makikipag-giyera sa China dahil lamang sa agawan ng teritoryo.
Ipinunto rin ng Pangulo na ang nagdaang administrasyon ang nag-utos ang alisin ang mga barko ng Pilipinas sa Panatag (Scarborough) Shoal at hinayaan ang China na kuhanin ito.
Mula nang maupo siya bilang presidente, nakapag-establish na ang China sa West Philippine Sea at nagpapakita na ng pagbabanta laban sa iba pang bansang may claim din sa lugar.