US Homeland Security, tiniyak ang pakikipagtulungan sa PH authorities para matunton ang nakatakas na hazing suspect na si Raplh Trangia

Manila, Philippines – Tiniyak na rin ng US Department of Homeland Security ang pakikipagtulungan sa mga otoridad sa Pilipinas para sa pagpapadeport kay hazing suspect Ralph Trangia.

Si Trangia na isa sa pangunahing suspek sa pagpatay kay Horacio Castillo III ay lumipad kamakailan patungong Chicago.

Kasama ni Trangia na lumabas ng bansa ang kanyang ina na si Rosemarie.


Lumipad patungong Amerika ang mag-inang Trangia noong September 19, 2017, isang araw bago makapagpalabas ang DOJ ng Immigration Lookout Bulletin laban sa mga suspek sa pagpatay kay Atio.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nagparamdam na ang Homeland Security na kikilos sila sakaling hilingin ng Pilipinas ang pagpapadeport sa mag-inang Trangia.

Facebook Comments