US House of Representatives, bigong mabaligtad ang veto ni Trump

Hindi napawalang bisa ng House of Representatives ang unang veto ni U.S. President Donald Trump sa resolusyong nagwawakas sa deklarasyong “national emergency” para sa pagpapatayo ng U.S.-Mexico border wall.

Ang Democrats, na may kontrol sa kanilang Kamara ay hindi nakakuha ng sapat na suporta mula sa Republicans para makamit ang two-thirds majority vote para sa ma-override ang veto ni Trump.

Sa botong 248-181, maipagpapatuloy ni Trump ang pagkuha ng pondo sa federal accounts para sa pagpapatayo ng bakod.


Pero tiniyak ni House Speaker Nancy Pelosi na susubukan pa rin nilang harangin ang hakbang ni Trump.

Sa loob ng dalawang taon, patuloy ang pagsopla ng Kongreso sa demand ni Trump sa pagpopondo ng border wall na ipinangako niya noong 2016 US elections.

Facebook Comments