US, isang natural ally at totoong kaibigan ng Pilipinas

Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na ang Estados Unidos ay kaalyado ng Pilipinas na hindi pwedeng mawala.

Ayon kay Locsin – ang relasyon ng dalawang bansa ay pinagtibay na ng pahahon dahil na rin sa treaty alliance, kasaysayan, kultura at pagsunod sa common values, gaya ng rule of law, kalayaan at demokrasya.

Itinuturing ni Locsin ang Amerika na ‘asawa’ ng Pilipinas – hindi ka mabubuhay na wala sila, pero hinihiling na sana pwede.


Sinabi naman ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na ang pagkakaibigan ng pilipinas at Amerika ay nananatiling matatag.

Handa rin ang Amerika na depensahan ang Pilipinas sakaling atakehin ng ibang bansa – ito ay sa ilalim ng mutual defense treaty.

Facebook Comments