US, kinondena ang nangyaring pag-atake sa Cotabato City

Mariing kinondena ng Estados Unidos ang nangyaring pagsabog sa Cotabato City.

Sa statement mula sa U.S. Embassy sa Manila, nagpapaabot sila ng pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng mga biktima.

Umaasa rin ang Amerika ng mabilis na paggaling sa mga nasugatan.


Muling ipinahayag ng U.S. ang kanilang suporta sa peace process sa katimugang bahagi ng bansa.

Maliban sa U.S., nagpaabot na rin ng pakikisimpatya ang ibang bansa at ilang miyembro ng international community tulad ng Japan, Taiwan at ang European Union.

Facebook Comments