US Lawmakers na nagpapabasura sa Anti-Terrorism Law, binatikos ni Senator Panfilo “Ping” Lacson

Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na kung hindi aamin na mga hipokrito ay dapat manahimik na lang ang halos 50 mga mambabatas ng Estados Unidos na nananawagan ng pagbasura sa bagong pasang Anti-Terrorism Law ng Pilipinas.

Ipinamukha ni Lacson sa US lawmaker na mas matapang ang batas ng US laban sa terorismo at maituturing pang malupit dahil matindi ang pagpapahalaga nila sa seguridad ng bansa nila at proteksyon ng kanilang mamamayan.

Tinukoy ni Lacson ang Guantanamo Bay Detention Camp sa Cuba kung saan ikinukulong ng US ang mga hinihinalang terorista na base sa report ng Amnesty International ay mga hindi nilitis bukod pa sa tinorture, kaya ang iba ay nag-suicide at nagtangkang mag-suicide.


Pagmamalaki ni Lacson, malayo ito sa Anti-Terrorism Law ng Pilipinas na punung-puno ng safeguards para matiyak na hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga hinihinalang terorista.

Binanggit pa ni Lacson na sa batas ng Amerika ay may one-party consent lamang para sa pag-wiretap sa pinagsusupetsahang terorista.

Ayon kay Lacson, hindi ganito ang Anti-Terrorism Law natin kung saan kailangan pang kumuha ng authorization mula sa Court of Appeals para makapagsagawa ng electronic o technical surveillance.

Facebook Comments