US, magbebenta ng drones sa Pilipinas upang mabantayan ang South China Sea

Photo courtesy of Reuters

Ipinahayag ni US Defense Secretary Patrick Shanahan na hindi nila palalampasin ang mga ‘kilos’ ng China sa mga bansang nakapalibot nito sa South China Sea.

Sa isang speech ni Shanahan sa Shangri-La Dialogue sa Singapore nitong Sabado, hindi direktang sinabi ni Shanahan na may ginagawang ‘aksyon’ ang China sa rehiyon ngunit hindi nila ito ipinagsasawalang-bahala.

Inanunsiyo ng Pentagon nitong Biyernes na bebentahan nila ng 34 na ScanEagle drones na magsisilbing ‘bantay’ sa mga ‘aktibidad’ na gagawin ng China sa rehiyon.


Sa sumatutal na $47 na milyon, mapupunta ang 12 na drones sa Malaysia sa halagang $19 milyon, Indonesia na kukuha ng 8 drones habang ang Pilipinas ay 8 rin at Vietnam na may 6.

Wala namang armed version ang mga drone na galing ScanEagle.

Facebook Comments