US Marine Corporal Joseph Scott Pemberton, posibleng maisama sa mga dayuhang blacklisted sa Pilipinas

Pag-aaralan ng Bureau of Immigration (BI) kung idedeklarang blacklisted sa Pilipinas o hindi si US Marine Joseph Scott Pemberton.

Sa interview ng RMN Manila kay BI-National Operations Center Chief at Deputy Spokesman Melvin Mabulac, sinabi nito na sa oras na makuha nila ang kopya ng absolute pardon na iginawad ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Pemberton ay kanila itong pag-aaralang mabuti.

Pero ipinunto ni Mabulac, na batay sa Philippine Immigration Act of 1940, ang isang dayuhan na may existing deportation order sa pagiging “undesirable alien” tulad ni Pemberton ay otomatikong blacklisted sa bansa.


Sa ngayon ay nakikipag-coordinate na ang BI sa Bureau of Vorrections para mailipat ang kostudiya sa kanila ng US marine.

Pagtitiyak ni Mabulac, sa oras na mailabas ng kulungan si Pemberton ay agad nilang ipo-proseso ang deportation nito.

nakikipag-ugnayan na rin ang BI sa Department of Justice para sa guidance kung papaano maipapatupad ang deportation order, batay sa batas ng Pilipinas.

Facebook Comments