US MARINE, NA KASAMA SA ISANG MILITARY TRAINING, NALUNOD SA ILOCOS NORTE

Isang miyembro ng United States Marines ang nalunod umano habang naliligo sa baybaying dagat ng Bangui, Ilocos Norte noong Biyernes.

Kinilala ang biktima bilang si Corporal Edmond Zhu, 20 taong gulang na nakatalaga sa Laoag City para sa Isang joint military mission.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 1, ang biktima kasama ng iba pang miyembro ng US at Philippine Marines na nagtungo sa isang beach sa Sitio Suyo, Barangay Baruyen bilang bahagi ng kanilang joint military training.

Bago ang insidente, Binalaan umano ito ng ilang residente na hindi ligtas ang tubig dahil sa malakas na alon.

Tumuloy pa rin ang biktima kasama ang Isa pang US Marines upang maligo sa dagat. Ilang saglit lamang nagpasaklolo na ang dalawa.

Naisalba ang Isang sundalo ngunit inabot ng labing limang minuto bago masagip ang biktima dahil sa lakas ng alon. Itinakbo pa ang biktima sa ospital ngunit Idineklarang dead on arrival.

Noong huwebes nagpunta umano ang tatlong US Marine at apat na Philippine Marine Corps sa Bangui upang maglagay ng radar para sa maritime surveillance.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments