US, may ₱11 milyong donasyong monitoring equipment sa PCG

Pormal na tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang ₱11 milyong halaga ng ‘monitoring equipment’ na donasyon ng Estados Unidos.

Makakatulong ito para palakasin ang ‘maritime law enforcement sa bansa.

Kabilang dito ang pagpapanatiling maayos ang kondisyon ng mga floating assets na ginagamit sa pagsasagawa ng maritime patrol at disaster response operations.


Kabilang naman sa mga tactical items na natanggap ng PCG mula sa Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL) ng U.S. Department of State ay waterproof digital cameras, binoculars, handheld Very High Frequency (VHF) radios at military-style individual first aid kits.

Kasalukuyan namang naghahanda ang US Embassy at PCG sa pagbisita sa Pilipinas ng U.S Coast Guard Cutter Midgett sa susunod na linggo.

Facebook Comments