US measure laban sa mga government officials na inaapi ang mga mamamahayag, kinikilala ng Palasyo

Kinikilala ng Philippine Government ang democratic processes ng Estados Unidos.

Ito ay matapos ipasa ng US ang panukalang nagbabawal sa pagpasok ng mga banyagang government officials na nang-aapi ng mga mamamahayag.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iginagalang ng Pilipinas ang soberenya ng Estados Unidos lalo na at inaasahan ding igagalang nito ang soberenya at kalayaan ng ating bansa.


Tulad ng Amerika, ang Pilipinas ay may sariling independent institutions at domestic laws na kailangang ipatupad.

Matatandaang ipinasa na ng US ang 2021 appropriations bill na magbibigay ng pondo sa US Department of State, at iba pang international programs at activities.

Sa ilalim ng 2021 State, Foreign Operations, and Related Programs Appropriations Act, ipagbabawal ang pagpasok ng foreign government officials na sangkot sa pagbabanta, maling pagpapakulong sa mga mamamahayag na iniuulat lamang sa publiko ang korapsyon at iba pang abuso sa gobyerno.

Facebook Comments