South Korea – Sinuspendi ng South Korea ang deployment ng kanilang US missile defense system.
Ayon sa opisyal ng nasabing bansa, hindi na tatanggalin pa ng Seoul ang dalawang launchers ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system na nakahanda na sa paglunsad.
Pero ang apat na karagdagang launchers ay kanilang ide-deploy hanggang tuluyan ng makumpleto ang full-blown environmental impact assessment.
Una nang sinabi ni South Korean President Moon Jae-In na ititigil niya ang deployment ng THAAD hanggat hindi tuluyan itong maaprubahan ng kanilang parliyamento.
Ang nasabing deployment ng THAAD ay naaprubahan noon ng dating pangulo na si Park Geun-Hye.
DZXL558
Facebook Comments