US, nagbigay ng impormasyon kaugnay sa mga sindikato ng droga na nag-ooperate sa Pilipinas

Nagbigay ng impormasyon ang mga opisyal ng Estados Unidos ukol sa mga sindikato ng drogang nag-o-operate sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Vice President Leni Robredo matapos makapulong ang mga opisyal mula sa US Federal Bureau of Investigation, Drug Enforcement Agency, Department of State at ang US Agency for International Development.

Ayon kay Robredo, karamihan sa Transnational Crimes na nangyayari sa bansa ay gawa ng mga sindikatong tinukoy ng US Officials.


Aniya, mahalaga ang impormasyong ito sa pagtugon sa problema kontra droga lalo na at marami pa ring droga ang naipupuslit papasok sa bansa.

Bago ito, sinabi na ng Bise Presidente na hihingi siya ng Intelligence Information mula sa Amerika para sa mga big-time drug trafficker.

Facebook Comments