Suportado ng Estados Unidos ang posisyon ng Pilipinas sa panibagong insidente ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea.
Sa isang statement, tinawag ni State Department Spokesperson Ned Price na “provocative” at “unsafe” ang ginawang panunutok ng Chinese Coast Guard ng military-grade laser sa crew ng BRP Malapascua na papunta sana noon sa ayungin shoal para maghatid ng mga tauhan at supply sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay Price, ang ginawa ng China ay direktang pagbabanta sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon na labag sa freedom of navigation sa West Philippine Sea.
Iginiit din ng Amerika na walang legal claims ang China sa Ayungin Shoal kasabay ang panawagang sumunod sa 2016 arbitral ruling.
Dagdag pa ni Price, handa ang Estados Unidos na tumugon sa US-Philippines Mutual Defense Treaty oras na magkaroon ng armadong pag-atake laban sa Pilipinas.